Gordon College, OLONGAPO CITY—Ibinandera nina Lourd Cedric Alejo ng College of Business and Accountancy (CBA) at Pauline Batinga ng College of Hospitality and Tourism Management (CHTM) ang kani-kanilang kolehiyo matapos koronahan bilang bagong Lakan at Lakambini ng Buwan ng Wika 2025 noong ika-4 ng Sityembre.
Bukod sa prestihiyosong korona, itinanghal ding Lakan ng Larawan 2025 si Alejo habang nasungkit naman ni Rowena Ablian mula sa College of Allied Health Studies ang titulo ng Lakambini ng Larawan 2025.
Kinilala namang Lakan at Lakambini ng Pormal na Kasuotan sina Matthew Navarro (CHTM) at Shanelle Ferrer ng College of Computer Studies (CCS).
Batay sa kanilang ranggo, hinirang ang mga sumusunod:
Lakan at Lakambini ng Wika (1st Runner-up)
Matthew Navarro (CHTM) at Rowena Ablian (CAHS)
Lakan at Lakambini ng Panitikan (2nd Runner-up)
Henry Agustin Baja Jr. (CAHS) at Shanelle Ferrer (CCS)
Lakan at Lakambini ng Sining (3rd Runner-up)
Reyelle Ariza (CEAS) at Angel Mae Deseo (CEAS)
Lakan at Lakambini ng SamFil (4th Runner-up)
Clark Justin Pambid (CCS) at Luisa May Manlapat (CBA)
Bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang naturang patimpalak ay isinagawa sa pangunguna ng Samahang Filipino (SamFil). | via Keane Rafael Abdon/The FOREFRONT
________________
Litrato ni Lauren Louise Sanita