Nakahanda nang tumindig ang Gordon College (GC) Warriors para sa 15th Local Colleges and Universities Athletic Association (LCUAA) National Games na gaganapin mula October 24-30 sa lungsod ng Pangasinan.
Liban sa kanilang mga bagahe, pasan din ng Warriors ang determinasyon, tatag, at kumpiyansa para sa sarili at sa institusyon.
Samantala, 18 na iba’t ibang larangan ng sports ang kanilang susuungin kabilang ang pinakahihintay na patimpalak ng Mr. and Ms. LCUAA.
Dagdag pa rito, ang University of Eastern Pangasinan (UEP) ang siyang magsisilbing host school para sa naturang National Games.
________________
Manatiling nakatutok sa opisyal na Facebook page ng The Forefront – Gordon College para sa iba pang mga balita ng BAGANI: 15th LCUAA National Games 2026 Special Coverage!
Ulat ni John Carlo Neptuno/TheFOREFRONT
Kuha ni Rogeen C. Alcantara/TheFOREFRONT
#LCUAA2026
#15thLCUAANationalGames
#GalingAngBaonHusayAngLayon
#InformingandEmpowering
CTTO: The Forefront


















