CHTM Sharks, sinaliwan ang ritmo tungong panalo

CHTM Sharks, sinaliwan ang ritmo tungong panalo
News
Monday, September 15, 2025

GORDON COLLEGE, OLONGAPO CITY—Nagliyab sa entablado ang College of Hospitality and Tourism Management (CHTM) Sharks sa Dancesports Competition—Latin Category nang ipamalas ang kanilang husay sa Cha-cha na sumubok sa indayog ng mga ritmo, Rumba na nagbigay-diin sa senswalidad, at Jive na nagpaigting ng sigla at enerhiya ng SIKLAB 2025.

Matapos ang tatlong antas ng laban, nangibabaw sina John Michael Apan at Cathlyn Heart Del Rosario ng CHTM Sharks. Ipinamalas nila ang matinding dedikasyon, tiyaga, at koordinasyon sa bawat hakbang at bawat himig ng musika. Tinanghal silang kampeon ng gabi sa kategoryang Latin.

Sinundan naman ito ng College of Education, Arts, and Sciences (CEAS) Mentors na sumungkit sa ikalawang pwesto at College of Business and Accountancy (CBA) Wizards sa ikatlong pwesto.

“Nagpapasalamat po ako sa Diyos sa guidance, also sa lakas. Unexpected po yung nangyari, aminado naman po kami na lahat ng department malalakas, also dahil nga po last year hindi namin nakuha ‘yong gold. Mas pinag-igihan na lang po namin yung training namin. Sobrang saya po namin na champion po kami,” ani ni John Michael, sa naramdamang galak matapos magwagi.

Dagdag pa ni Cathlyn, natural lang sa mag-partner ang mag-away. Hindi man daw nagkakasundo sa gustong steps; mga routines, mga gustong minsa’y hindi nauunawan. Ngunit, nagagawan naman ng paraan at naaayos sa usapan.

Hindi lamang sa tropeyo at ranggo umikot ang laban. Sa huli, ipinakita ng Latin Category ang sigasig at diwa ng komunidad ng Gordon College—kung saan ang bawat indak ay larawan ng determinasyon, pagkakaisa, at pagmamahal sa sining ng sayaw ng Gordon College Community. | via Lianne Malazarte/The FOREFRONT

__________________________

Kuha ni Franz Feria

Layout ni John Patrick Mateo, Lance Isaac Leon

ERRATUM: The image used in the publication material before was another representative of CHTM. The champions of the Latin category are now shown in the edited material. We sincerely apologize for the confusion it may have caused.

#InformingandEmpowering

#Siklab2025

#CAHSTigers

#CBAWizards

#CCSPhoenix

#CEASMentors

#CHTMSharks