CEAS Mentors, ibinida ang ginto sa Standard Category

CEAS Mentors, ibinida ang ginto sa Standard Category
News
Monday, September 15, 2025

GORDON COLLEGE, OLONGAPO CITY – Umangat ang kahusayan ng College of Education, Arts, and Sciences (CEAS) Mentors sa taunang Dance Sports Competition Standard Category, matapos matagumpay na hinataw ang dalawang katunggali sa entablado sa pamamagitan ng tatlong klasikong sayaw.

Sinubukan ang kanilang husay at indak sa Waltz na nagpakita ng pino at walang-kupas na galaw, sa Tango na umigting sa matinding ekspresyon, at Quickstep na sumubok sa bilis, koordinasyon, at tibay ng bawat pares.

Sa kabila ng dikit na laban, naging kapansin-pansin ang stage presence, chemistry, kontrolado ngunit makapangyarihang galaw ni Jieann Cahanding at Ivan Russel Bahala mula sa CEAS Mentors na nagpakita ng malinis na footwork hanggang sa makabagbag na emosyon sa entablado. Sinundan ito ng CHTM (College of Hospitality and Tourism Management) Sharks sa ikalawang pwesto at CAHS (College of Allied and Health Studies) Tigers sa ikatlong pwesto.

“Aside from being student athletes, of course. Kami kasi ng partner ko first time partner, yung adjustment doon na tinuturuan ko siya kasi hindi rin siya talaga dance sport athlete, pero yung nakakamangha sa kaniya ay madali siya turuan, saad ni Jieann ukol sa hinarap nilang problema bago tumungtong sa entablado.

“Yung struggle namin ay ‘yong time management medyo mahirap kasi tuwing hapon lang kami nakakapag practice,” dagdag pa niya.

“Sobrang saya po na nakakaiyak. As a first-timer malaking challenge sa akin yun at malaking achievement,” ayon kay Bahala patungkol sa naramdaman matapos sungkitin ang kampeyonato.

Sa pagtatapos ng patimpalak, hindi lamang talento sa pagsasayaw ang naipakita ng mga kalahok. Bawat kolehiyo ay nagbigay ng kani-kaniyang tatak—mula sa makukulay na costume, malinis na footwork, hanggang sa mga koreograpiyang may hatid na emosyon at kwentong Gcians. | via Lianne Malazarte/The FOREFRONT

__________________________

Kuha ni Franz Feria

Layout ni John Patrick Mateo, Lance Isaac Leon

#InformingandEmpowering

#Siklab2025

#CAHSTigers

#CBAWizards

#CCSPhoenix

#CEASMentors

#CHTMSharks