Blessing of Gordon College Annex Building

Blessing of Gordon College Annex Building
News
Monday, August 11, 2025

Pormal na binasbasan ang bagong Annex Building ng Gordon College ngayong Agosto 11, 2025, sa pangunguna ni Rev. Fr. Roque Villanueva.

Dumalo sa makabuluhang seremonya sina Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr., BCDA Director Rolen C. Paulino, Gordon College President Dr. Imelda D.P. Soriano, mga Konsehal ng Lungsod, at ilan pang opisyal, kasama ang mga estudyante, guro, at kawani ng Gordon College bilang pagsuporta sa makasaysayang pagbubukas ng bagong gusali.

Mahigit sa tatlong libong karagdagang estudyante ang makikinabang sa bagong gusali.

Itinakda ang pagbubukas ng Annex Building kasabay ng pasimula ng klase ngayong Academic Year 2025–2026, bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan at pamunuan ng kolehiyo sa lumalaking pangangailangan para sa dekalidad at makabagong pasilidad sa edukasyon.

Courtesy to Olongapo City Information Center. Read full article here.