Ikatlong pwesto, nakopo ng GC Women’s Futsal

Ikatlong pwesto, nakopo ng GC Women’s Futsal
News
Wednesday, October 11, 2023

Bigo mang makamit ang ginto, siniguro pa rin ng Gordon College Women’s Futsal team na sa kanila pa rin isasabit ang tansong medalya matapos dispatsahin ang iba pang katunggali sa katatapos na laro kahapon, ika-10 ng Oktubre.
Naka-ungos man ang kalaban sa unang bakbakan, hindi pa rin nagpatinag ang koponan sa pangunguna ng team captain na si Clarisse Kyla Dagoon kahit naabot na ang kaniyang “last playing year” upang silatin ang ikatlong pwesto at umani ng parangal.
“As a captain lagi kong mino-motivate yung team ko na kaya nila kahit na nafi-feel nilang hindi na nila kaya. Tiwala lang po ang naging preparasyon namin para makamit namin ‘yung panalo”, pahayag ni Dagoon sa panayam bitbit ang medalya at aral matapos ang laro.

#InformingAndEmpowering

#ComebackStronger

#DreamHigher

#12LCUAANationalGames

✍️: Dol Rich Jay Mangin | Head Cartoonist
📷: Alejandrian Rodavia | Photojournalist & John Ian Marquez | Devcomm Editor
💻: Angelique Jose | Graphics Editor & Isaac Leon | Multimedia Editor