Ang Paghatak ni Apolo ng Karwahe sa Dulo ng PaSIKLABan 2025

Ang Paghatak ni Apolo ng Karwahe sa Dulo ng PaSIKLABan 2025
News
Tuesday, September 30, 2025

OLONGAPO CITY—Ang pagtaklob ng ulap sa nakapapasong araw ay naging tanda ng pagtatapos ng SIKLAB 2025. Sa pagkalansing ng medalya at pagkinang ng tropeyo, umalingawngaw ang sigawan at palakpakan. Kagat-labi ang mga manonood sa antisipasyon kung sino ang magkakamit ng inaasam na pagkapanalo.

Bago parangalan ang magkakampeon sa sagupaan ng mga pating, tigre, wizards, phoenix, at mentor, nagbigay ng natatanging mensahe si Dr. Imelda DP. Soriano na tunay na nagbigay konklusyon sa limang araw na bakbakan sa palarong pampalakasan.

Sa huli, isa lang ang tanong na namutawi: mananatili bang asul ang kulay ng kampeon o mamamayagpag ang bandila ng ibang kolehiyo? | via Kana Maye Dueñas/The FOREFRONT

___________________________

Kuha ni Lauren Sanita

#InformingandEmpowering

#Siklab2025

#CAHSTigers

#CBAWizards

#CCSPhoenix

#CEASMentors

#CHTMSharks

CTTO: The Forefront