Muling pinatunayan ng Central Luzon ang galing nito sa larangan ng edukasyon matapos mapasama ang 10 pampublikong Higher Education Institutions (HEIs) sa Times Higher Education (THE) Impact Ranking 2025.
Batay sa social media post ng Commission on Higher Education (CHED) Regional Office III, kabilang sa prestihiyosong listahan ang mga sumusunod na institusyon:
1. Central Luzon State University (801-1000)
2. Tarlac Agricultural University (1001-1500)
3. Bataan Peninsula State University (1501+)
4. Bulacan State University (1501+)
5. Don Honorio Ventura State University (1501+)
6. Nueva Ecija State University of Science and Technology (1501+)
7. Tarlac State University (1501+)
8. Gordon College (1501+)
9. Mabalacat City College (1501+)
10. City College of San Fernando, Pampanga (1501+)
Ang THE Impact Rankings ay sumusukat sa kontribusyon ng mga kolehiyo at unibersidad sa pag-abot ng United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), gaya ng dekalidad na edukasyon, gender equality, climate action, at iba pa.
Layunin nitong kilalanin at ipagdiwang ang mga institusyong aktibong nakikibahagi sa pagsusulong ng mas maayos at mas inklusibong mundo.
Ngayong taon, higit 2,000 universities mula sa 125 na bansa at teritoryo ang lumahok sa ranking. Sa bilang na ito, nasa 121 na institusyon sa Pilipinas ang kinilala, patunay ng lumlawak na global recognition pagdating sa kalidad ng edukasyon sa bansa.
Courtesy of CLTV36, click here to read the full article.