Muling naglayag ang โstudent leadersโ tungo sa transpormatibong pamumuno sa ika-apat na โPagtatalaga Re-Echo,โ na pinangunahan ng mga piling miyembro ng student organizations and council na ginanap sa GC Function Hall, ika-19 ng Nobyembre.
Ang naturang programa ay naglalayon na ibahagi ang mga natutunang kaalaman ng ating mga GCian student leader delegates sa nagdaang Association of Local Colleges and Universities (ALCU) Intensive Course on Student Leadership Development noong nakaraang Hunyo sa San Fernando, Pampanga sa kanilang mga kapwa lider-estudyante.
Pinasimulan ni Office of the Student Welfare and Services Vice President Ms. Lovelyn P. Ceralde sa kaniyang opening remarks at sinundan ni Ms. Frances Mobo, GC-SSC Chairman; at Mr. Kharl Nofies, Samahang Filipino (SamFil) President, bilang mga unang speaker na siyang nagbahagi ng unang paksa tungkol sa โTransformational Student Leadership Metanoia.โ
Samantala, sinundan naman ito nina Mr. Gimuel Aguimatang, Vice President of Junior People Management Association of the Philippines (JPMAP); at Ms. Alexis Penuliar, President of Nursing Student Organization (NSO), na siyang nagbukas ng diskusyon ng โFundamentals of Student Leadership.โ
Sa pagtatapos ng pang-umagang sesyon, binigyang buhay ng mga student leaders ang programa sa pamamagitan ng isang workshop at pagbuo ng kani-kanilang koreograpiya ng isang sayaw para sa dance competition na siyang parte ng pang-hapon na sesyon.
Sa kabilang banda, muling binuksan ang pagtatalakay ng panghuling modyul patungkol sa paksang โDigital Citizenship as a tool for Student Leadershipโ na binahagi nina Mr. Aaron Perez, President of College of Computer Studies Council (CCS-SC); at Mr. Lorenzo Cayabyab, President of League of Tourism Student Council of the Philippines (LTSP).
“Every time, lagi kong sinasabi how important it is to practice communication. Always listen to comprehend not listen to reply,” saad ni Ms. Kimberly Recitis, Coordinator of Student Organizations Unit sa kaniyang closing remarks.
Dagdag pa niya, sa kabila ng hamon ng pagkakaroon ng limitadong kapasidad sa venue, nasa natatanging student leaders ang responsibiliad upang i-re-echo ang kanilang mga natutunan sa kanilang kapwa lider-estudyante.
____________
: Emar Kristian Aranda | Opinion-Editorial Correspondent
: Lauren Sanita | Head Photojournalist
Emar Kristian Aranda | Opinion-Editorial Correspondent