Gintong indayog pabalik sa Gapo

Gintong indayog pabalik sa Gapo
News
Saturday, October 26, 2024

“Excellent!” ang isang salitang mailalarawan ng kanilang Coach nang makamit ng GC Wariors ang Overall Champion sa Dance Sports nitong ika-13th LCUAA National Games, na ginanap sa Ayala Malls Southpark – Muntinlupa City.

Nagdamot lang naman ng spotlight sina Jieann Nicole E. Cahanding at Prinz Anjelo Franco R. Aranassa sa kategoryang Latin-American, daan upang angkinin ang ginto at maisama sa medal haul ng dalubhasaan.

“Our dedication sa pagsasanay and pagmamahal sa aming talent ang naging susi sa pagkamit ng aming tagumpay,” saad ng mananayaw matapos maideklara na maiuuwi nila ang karangalan.

Samantala, hindi rin nagpatinag ang tambalang Renz Joshua T. Mariano at Angela D. Francisco nang araruhin ang pilak sa kategoryang Modern Standard.

“Through intense training, nag-aral po kami ng new movements, expressions, and techniques, and ofcourse, ang tiwala po namin sa isa’t isa,” boses ng buong grupo.

Dagdag pa nila, limitado lamang ang oras nang kanilang paghahanda, ngunit hindi sila nagpatinag upang magkaroon ng bagong bihis ang routine at magtarak ng oras sa pagsasanay upang gumawa ng matingkad na impresyon, at manatiling “center of attraction.”

Makasaysayan ang pagbabalik sa Dance Floor dahil naiukit din noong 12th LCUAA National Games ang Overall Champion sa hatawan.

_______________

✍: John Patrick Mateo | Managing Editor

📷:Emar Aranda | Opinion-Editorial Correspondent

💻: Lance Isaac Leon | Head of Visual Arts

#InformingandEmpowering

#LCUAA2024

#LCUAANationalGames2024

#MovingStongerTogether

#GCWarriors