Pilak na Tipa ni Elefane

Pilak na Tipa ni Elefane
News
Tuesday, October 29, 2024

MUNTINLUPA CITY–Tinarak ng Gordon College (GC) Warriors ang kanilang kampilan sa table tennis matapos makamit ang pilak ni X’tian Orrick Elefane sa men’s singles sa 13th Local Colleges and Universities Athletic Association (LCUAA) National Games nitong ika-23 ng Oktubre sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) Emerald Hall.

Namayagpag si Elefane sa konklusyon ng elimination rounds laban sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Matapos niyang umabante sa semifinals at ipamalas ang kaniyang galing at timpla, nilupig ni Elefane ang pambato ng City College of San Jose Del Monte (CCSJDM) na nagkaloob sa kaniya ng tiket tungong finals.

Samantala, nagulantang ang Emerald Hall sa bagsik ng dalawang manlalaro at dikit na labanan sa final round. Parehong nagaasam ng pagkawagi, ang dalawang atleta ay palitang nagpakawala ng atake hanggang sa naagaw ng Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmariñas (KLD) ang ikaapat na set at naggawad kay Elefane ng silver medal sa nasabing kategorya.

Bagamat baguhan sa kaniya ang paglalaro sa men’s singles ngayong taon, pinatunayan ni Elefane ang walang mintis na liksi at galing niya nang itanghal sa ikalawang puwesto sa bago ngunit pamilyar na larangan.

Sa kabilang banda, itinirik naman ng mandirigmang GC ang luntiang bandila sa lupain ng women’s division, mixed doubles, at men’s doubles patungong semis qualifying match.

————————

✍️: Alyssa Marie Alcantara | Sports Correspondent

📷: John Christian Rocero | Broadcaster

💻: Rich Mae Tianchon | Head Graphics Artist

#InformingAndEmpowering

#LCUAA2024

#LCUAANationalGames2024

#MovingStongerTogether

#GCWarriors

#13thLCUAANationalGames2024

#MovingFartherAndHigh