Barbeque-mikinang ng Subic Zambales: Tinatawag muli ng Tanghalan

Barbeque-mikinang ng Subic Zambales: Tinatawag muli ng Tanghalan
News
Friday, November 15, 2024

Ibahin mo si Jade Benero Cayosa sa mga konteserang nakilala mo; dahil bumaba man siya sa “It’s Showtime” stage noong 2019 na hindi hawak ang gintong-mikropono, hindi pa sintunado ang lahat upang umawit muli ng sariling rendisyon ng kaniyang himig-sikan sa ika-dalawang edisyon ng Tawag ng Tanghalan: School Showdown Season 1.

Kadalasan mong maririnig ang boses ng balladeer sa Gordon College. Bukod sa maraming organisasyon at mga patimpalak na ang kaniyang nasalihan tulad ng Battle of the Bands, sa pangalawang pagkakatao’y hindi lamang iwa-wagayway ni Cayosa ang kaniyang apilyedo – pati na rin ang bandera ng dalubhasaan.

Kahit sa rurok nito, maaring hindi pa rin klaro ang pangalan ng mag-aaral mula BCAEd, pinuri lang naman siya ni Meme Vice ng “ang clear ng voice mo” sa unang salang niya sa TNT Stage. Higit sa lahat, saan mang panig sa Olongapo at Subic, malinaw rin na makapigil-hininga ang kaniyang pagbirit upang makamit ang iba’t ibang titulo sa larangan ng pagkanta.

Kaya naman noong 2019, sa kaunting kabig ng dibdib na gamitin ang Hashtag TNT Refer, inulan ng suporta ang kaniyang isang-minutong English-Tagalog pyesa na naging Golden Ticket niya upang kantahin ang “Dukha” ng Bandang Aegis sa Tawag ng Tanghalan Stage noong Ika-3 ng Pebrero, 2020.

“I work on practicing sa mga kanta na nilagay ko sa list ng kakantahin ko, and hanggang saan yung strength and weaknesses ko. In the past, kasi, wala pa akong masyadong na-aral na kanta. And, disiplina rin: I need to be careful sa mga pwedeng makasira sa vocal[s] ko,” saad ng GCian nang tinanong ukol sa kaniyang pagbabalik.

Marahil dumating man ang oras na mawalan ng boses si Jade, hindi naman mawawala sa kaniyang bar line ang mga taong pinanghuhugutan niya ng lakas upang hindi magpahinga at manatiling tahimik ang ritmo ng kaniyang talento.

“Inaalay ko ito sa mga taong hindi sumusuko na mangarap and magpatuloy na sumubok muli kahit na nalulunod tayo sa problema na kinakaharap,” palaging baon ni Jade para sa mga manonood at mapapanood siyang muli.

Mapapakinggan kung paano rumesbak ang nag-iisa at patuloy pa rin na Barbequ-mikinang ng Subic mamayang 12:00pm sa Tawag ng Tanghalan Stage ng It’s Showtime.

______________________

✍: John Patrick Mateo | Managing Editor

💻: Lance Isaac Leon | Head of Visual Arts

Rich Mae Tianchon | Head of Graphic Artist

Photo credits: ABS-CBN Studios

#InformingandEmpowering