๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฒ๐š๐ซ๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐ž๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐จ, ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ข๐ฌ๐š๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐ง

๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ฒ๐š๐ซ๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐ž๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐จ, ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ข๐ฌ๐š๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐ง
News
Friday, July 18, 2025

GORDON COLLEGE โ€” Isinalin na ang mga posisyon at kapangyarihan sa mga bagong opisyales, gayundin ang pagpapakilala sa mga bagong kakatawan sa mga GCians sa katatapos na Supreme Student Council Turnover Ceremony na ginanap sa PE Hall nitong ika-14 ng Hulyo.

Nasaksihan din ng mga lider-estudyante mula sa ibaโ€™t ibang organisasyon sa loob ng institusyon ang nabanggit na seremonya.

Bilang panimula, binigyang diin ng nooโ€™y SSC Chairperson Frances Daphne Mobo ang seremonya sa paglalahad ng Budget at Accomplishment Reports ng kanyang termino.

Samantala, inamin ni Mobo na nabigo nilang tuparin ang ilang mga pangakong proyekto para sa mga mag-aaral.

โ€œFailures make us better individuals. Leadership teaches you how to be accountable [for] your own actions and how to accept constructive criticism. To our student leaders present here today, do remember that leadership is not about positions or titles because those are temporary. Leadership is about passion and dedication,โ€ aniya.

Bukod dito, binigyan ng pagkakataon ang bagong termino upang talakayin at bigyang linaw ang kanilang mga inihandang proyekto at aktibidades sa harap ng kanilang mga kapwa lider-estudyante.

Sumatutal, mayroong 12 na proyekto at 17 na aktibidades na gustong ilunsad ang naturang termino sa pangunguna ni ngayoโ€™y SSC Chairperson Julier Samonte. Ilan dito ay ang GCLAMP 2.0: Enhancing Access in the GCLAMP, CODE 200: Tech Industry Partnership Found, BIN-novation: Classroom for a Cleaner Future para sa kanilang proyekto, samantala ay inahain naman ang Student First Starter Packs: College Life Unboxed, Think Green: Green Revolutions for GCians, Beyond the Myths: Understanding HIV/AIDS & Prevention para sa kanilang mga aktibidades.

Ngunit ang lahat ng kanilang programa ay pawang mga panukala pa lamang at posibleng mayroong ibang hindi mapayagang mailunsad, paglilinaw ng bagong konseho.

Bilang karagdagan sa mga pangako ni Samonte, bagong kinatawan ng konseho, nais niya at ng kaniyang konseho na palawakin ang komunikasyon at transparency sa pagsasagawa ng regular student consultations, open forums, at online suggestion platforms para marinig ang tunay na saloobin ng mga estudyante. Kasama rin dito ang paglabas ng general plan of actions, budget breakdowns, at accomplishment reports upang mas mapanatili ang tiwala ng bawat estudyante sa konseho.

โ€œPangatlo, mas makabuluhang events para sa lahat. Gagawin nating inclusive at meaningful ang bawat SSC-led event. Hindi lang ito basta kasiyahan dahil gagawa rin po tayo ng mga aktibidad na magtataguyod ng leadership, advocacy, at student development.โ€

โ€œPang apat, pagpapalakas ng bawat student organization sa bawat departamento. Bilang inyong chairperson, sisiguraduhin kong makakaramdam ng buong suporta ang bawat departamental organization,โ€ dagdag pa niya.

Paalala naman ng bagong SSC Chairperson na ang kaniyang pagkapanalo noong nakaraang eleksyon ay hindi lamang tagumpay ng isang tao kundi tagumpay rin ng bawat estudyante na naniniwala na pwedeng marinig, makilahok, at maging bahagi ng pagbabago.

__________________________

Ang The Forefront, opisyal na publikasyon ng Dalubhasaan, ay mananatiling nakamasid sa mga isasakatuparang programaโ€™t proyekto ng Supreme Student Council na magpapatunay na #NoStudentLeftBehind.

๐Ÿ“: Emar Kristian Aranda | Opinion-Editorial Correspondent

๐Ÿ“ธ: Lauren Louise Sanita | Head Photojournalist

#InformingandEmpowering